Out of nowhere napapunta na naman ako sa Sweet Kirsh. Since wala kaming maisipang puntahan this afternoon, we decided to try eating at Sweet Kirsh Cafe. Na feature ko na nga pala siya before pero dun yun sa dati nilang branch. Burger and Monster Shakes ang bida noon, pasta and lemonades naman ngayon.


Pinakamahirap na tanong ay "saan tayo kakain?" tapos ang sagot sayo ay "kahit saan". Bakit nga ba ganun ano? Katanghaliang tapat yagyag kami ng pinsan ko sa bayan kung saan manananghalian. Paano ba naman, masarap sana ang burger kaso alas dos pa ang bukas. Masarap sana ang sisig kaso sobrang init na ng panahon. Buti na lang He Brews saves the day. Sakto din namang di pa siya dun nakakakain. Twas my 3rd na but my 1st in this branch.


Hindi ako yung tipo ng tao na palasimba every Sunday, every special occassion at kung kailan dapat magsimba ang isang Katoliko na tulad ko. Pero sa twing may makikita akong magandang simbahan, gustong gusto kong makarating dun.


Napakaaliwalas tingnan ng St. Lorenzo Ruiz Parish. Matatagpuan ito sa Dagatan, Taysan Batangas, makalampas lamang ng Palengke. Madali naman siya hanapin dahil tabing kalsada. 30-45 minutes ang byahe pero medyo matraffic dahil sa ginagawang kalsada sa bandang Bilogo.


Merong malawak na parking kaya pwedeng pwede na magdala ng sariling sasakyan. Marami na din ang dumarayo dito kasi nakapost sa social media ang Parish at nakita ko nga siya sa Facebook kamakailan lang. Kaya naman naisip ko na dito kami magsimba ng baby Isobelle ko. Kaya lang napostpone kami last week dahil nagkasakit siya. Still, nung gumaling na ang baby ko, natuloy din kami kasama ng aking mga inlaws. Ang saya!


Alas sais kami umalis ng bahay at nakarating kami ng 7:30 am sa simbahan. Patapos na ang pang alas sais na misa nun. Pero sabi sa amin ng pwede naman muna kami mag picture picture kasi 9am pa ang sunod na misa. Araw-araw meron silang misa na pang alas syete (7:00 am). Twing Myerkules meron namang misa sa alas kwatro y medya (4:30 pm) ng hapon at pag Linggo ay 6:00 am at 9:00 am. 


Hindi pa tapos ang mga struktura sa labas pero ito yung pinaka driveway sa harap ng simbahan. Ang swerte ng ikakasal pa lang. Maganda kasi itong simbahan at napaka aliwalas. 


Kung ikakasal ako ulit gusto ko sa simbahan na ito. Mabait pa ang pari, si Rev. Fr. Richard Hernandez. Maganda ang homily, tagalog pero English Mass dito katulad sa Caleruega. Naalala ko tuloy si Fr. Boy Oriondo.



Ipinabless ko si Isobelle matapos ang misa at kinausap niya pa kami kung taga saan. Natuwa siya ng malaman na taga ibang lugar kami. Every after mass merong blessing of the Holy water. 



Maganda at maluwang ang loob. Bago pa ang mga upuan at hindi siksikan kapag nagsisimba. Siguro dahil na din bago pa. Pero iba talaga ang pakiramdam sa loob. Malamig din kasi dahil nakaharap ito sa kabundukan at kitang kita mo ang kalangitan. 


Ang krus ay hindi masyadong aninag sa picture dahil puti ang pintura nito. Imagine habang nakikinig ka ng misa makikita mo ay mapuputing ulap at berdeng paligid.


Salamat sa magandang araw ng bumisita kami sa simbahan. Pag-uwi ng asawa ko yakagin ko siya dito kahit na medyo malayo sa bayan, gusto ko ulit magsimba dito.